SMILE!
Ganyan tayong mga Pilipino. Pangkaraniwan na ang mga taong laging naka-ngiti lalo na kung kasama ang kabarkada, boypren/gelpren, pati na rin ang mga kaaway.
Ganyan naman tayo palagi! Lalo na yung mga nagpapa-kyut! AMININ! Ganyan din naman ako paminsan, lalo na kapag kumakain sa mga fast food chain tapos kasama ko kabarkada ko. Kunyari tatawa, pero nagpapa-kyut talaga. Hihi!
Pati sa ating mga kaaway ay ginagawa natin ang ating PLASTIC SMILE. Haha! Kahit siya pa ay nakipag-ayos sayo, pero kung talagang mainit ang dugo mo sa kanya. Ganito ang mangyayari :
Ikaw : *habang naglalakad sa corridor*
Kaaway : Ui! Kamusta ka na? *sincere mode*
Ikaw : Ahh, ok lang. Ikaw?
Kaaway : Ok lang din ala….
Ikaw : *tingin sa relos* ayyy, may gagawin pa pala ako. Sige, next time na lang. *PLASTIC SMILE*
Hahaha! Ang saya diba?!
Kahit nga sa mga live feed ng Balita sa TV, kapag napo-pokus sa mga nasunugan sa isang lugar. Nakukuha pa rin nilang kumaway at umi-smayl sa kamera. Ang galing din natin ano?! Kahit nasa hindi na magandang sitwasyon, nakukuha pa rin nating ipakita ang ating pagiging positibo.
Ayy sandali lang, pagiging positibo nga ba o pagpapa-kyut pa rin?
Haha! Kayo na bahalang sumagot niyan. 🙂
Brent.
Filed under: Mga Karanasan. | Tagged: ismayl! | 2 Comments »