Sembreak!

Ayan nanaman! Naamoy ko na ang simula ng ika-lawang semestre! Ilang araw na lang ang nalalabi sa aming maikling bakasyon bago mag-simula ang bakbakan sa mga classrooms -Quizzes, Reports, Revalidas, Exams, HCPs etc. Nakaka-stress mang-isipin pero ganun talaga! Hahahaha! Sa totoo lang, may mas malaking nag-iintay samin, may Nursing Aptitude Test pa kami o mas kilala bilang Battery Exam! 

Pero bago ko kayo piliting isara ang window na ito, ibabahagi ko ng bahagya ang mga pinagkakaabalahan ko sa huling mga araw ng bakasyon.
1. Nagrereserba na ng energy. Panigurado sa pasukan, puyatan nanaman ‘to!
2. Nanonood ng mga Foreign TV Series na kina-aadikan. Gossip Girl anyone?
3. Nakikipagkita sa mga HS friends!
4. Kinukundisyon ang katawan dahil may Swimming Class kami sa ikalawang semestre.
5. Nagbabasa ng mga Libro! Hindi yung libro na pang-akademya ha! Yung mga libro na gawa nila Dan Brown at Bob Ong!
Random:
Kakatapos ko lang basahin ang Deception Point ni Dan Brown at Macarthur ni Bob Ong. Ang ganda nung Deception Point! Ang sarap basahin, ang galing nung pagkaka-chapter nung libro, tamang-tama yung mga cuts kaya paminsan ang hirap tigilan nung Libro. Maganda din yung Macarthur kaso masyadong nakakalungkot yung mga nangyari. 
Ngayon, pinagkakaabalahan ko yung Angels and Demons. Tulad ng mga dating libro ni Dan Brown, ang hirap pa rin tigilan! Hahahaha! O’ siya siya, tatapusin ko na ‘to! Baka abutan pa ako ng pasukan! ‘Nga pala, sino may Twilight na book? Pahiram naman ‘oh! Thanks!

Typewriter

Tak-tak-tak-tak, TING!

Nakakatuwang isipin na ng dahil sa teknolohiya natin ngayon, ay lalo at lalong napapadali ang ating buhay. Natatandaan ko nuong bata pa ako, kakaunti lang ang gumagamit ng PC. Kadalasan kasi ay typewriter ang ginagamit para sa mga mahahalagang papeles. Natatandaan ko pa nga nung una akong nakapag-type gamit ang typewriter. Naipit yung isang letra at natakot ako dahil akala ko ay nasira ko na ‘to! Hahaha! Kasi naman ang tanga-tanga nung typewriter ‘di man lang ako sinabihan na wag kong diinan. Hahaha!

Kapag may mali kang nai-type ay kailangan mo pang gumamit ng liquid eraser o snowpeyk. Maririnig mo rin ang paulit-ulit na *ting!* na ang ibig sabihin ay ibalik mo na ko sa unang line. Maririnig mo rin ang nakakairitang tunog na *tak-tak-tak* sa bawat pindot ng letra.

Pero ngayon iba na, maraming salamat sa nakaimbento ng MS Word! Dahil ‘eto na ang pumalit sa nakasanayan nating typewriter. Kapag may mali kang nai-type, hindi mo na kailangan pang maghagilap ng snowpeyk. Dahil sa pindot lamang ng backspace ay ok na! Sige nga, gamitan mo nga ng snowpeyk yang monitor mo! Hahahaha! Hindi mo na rin ang maririnig ang mahiwagang *ting!* sa tuwing ililipat mo sa kasunod na linya ang iyong tinatype. Kasi ngayon, kapag narinig mo na ang *ting!* na ‘yan, aba-aba kabahan ka na. Isa lang ang ibig sabihin niyan, nag-hang na ang PC mo! Hahaha! At ang ibig sabihin nun ay, sige na simulan mo na yan ulit mahaba pa ang gabi

Nakakatuwa talagang isipin, ng dahil sa katalinuhan ng tao. Napapadali ang ating buhay, mas nagiging maayos ito at maginhawa. Hay, sana makaimbento rin sila ng bagay na tinatype na lahat ng iniisip ng isang tao!😀

Oh siya, magta-type muna ako ulit ha!

*tak-tak-tak* 

Jeepney

“Oh, oh, oh paki-ayos na lang yung upo oh! Dalawa pa yan!”

Yan yung sinisigaw nung mama kanina habang papasakay kami ng kuya ko sa Jeep na may biyaheng Sangandaan – Pajo – Divisoria.

Hay, o sige simulan ko na ‘tong nakakabaliw kong kwento. Galing kasi kami sa Kapilya, INC po ako, o Simbahan. Tapos nung natapos na yung pagsamba edi siyempre nagmamadali na kaming umuwi kasi alas-sais na. Paglabas namin, aba ang husay! Trapik! Eh kahit ano namang gawin namin dun lang talaga ang daan pauwi, no choice sumakay na rin kami.

Etong nasakyan naming jeep mautak ang driver! Naisipan ba namang mag-counterflow. Eh ‘di sige, counterflow siya. Tapos nung pag-counterflow niya trapik din! Hahahaha! Eh ‘di no choice nanaman siya, pumasok na siya dun sa mga kalye-kalye. Dito ko nakita ang ilan sa mga bagay na sa Pinas mo lang makikita. Tulad na lang ng mga sumusunod

  1. Nagba-basketball sa mga kalye.
  2. Mga humps na gawa sa gulong na pinutol at inilatag sa kalyhe. 
  3. Kabi-kabilang parlor at barberya. Nagtataka tuloy ako kung lahat ba sila ay nakakuha pa ng customer dahil sa sobrang dami nila. Hahaha!
  4. Mga kainan sa tabi ng kalsada. Siyempre bilang nursing student, kung anu-ano nanaman ang pumapasok sa utak ko. Tulad na lang ng “Microorganisms will contaminate the food” etc.
  5. Ginagawang parking lot ang kalsada. Tulad na lang dun sa isang kalyeng dinaanan nung driver, kabi-kabila ang mga sasakyang nakaparada.
  6. At siyempre, para matustusan ang mga pangangailangan ng may ari ng sasakyan sa kalsada, kabi-kabila rin ang mga Carwash! Haha!
  7. Mga tambay na parang walang problema. ‘Buti pa sila, hindi mukhang haggard! Haha!
  8. At ‘eto ang pinaka-kakaiba sa lahat! Alam niyo yung office chair diba? Imbes na upuan ginawa nung isang batang babae humiga dun. Yung lalake naman pinaikut-ikot yung upuan na parang kang nanonood sa perya! Hahaha! Pilipino nga naman!
Oh siya, malapit na ko sa bahay ……..
Sa tabi na lang po, PARA!

Nakaka-miss ‘to ha!

WORDPRESSSSSS!

Hay! Muli nanaman akong nagbabalik sa aking blog! Aba, ilang buwan din akong natigil sa pagpa-publish dito ah!😀 Kasi naman kasi, sobra na talagang busy. Pero, di ko na masyadong ipapasok dito yung mga ka-haggardan sa buhay ko! Baka mamaya makalbo kayo sa pagbabasa! Hahaha!

Ayon, sige ia-update ko ‘to ulit. Abang-abang na lang kayo sa mga iku-kwento ko.

Toxic!

TOXIC!

Toxicated na kaming mga 2nd year A.H.S.E. Students ng FEU. Tulad nga ng sabi ni Mr. Bolo, ang aming Ana-Physio Professor, dapat kaming maging gimpers. Gimpers o sa tagalog sobra-sobra ang effort. Kasi naman nung 1st year pa lang kami, napaka-lax namin. Parang wala lang, dedma lang kami nun. Akala namin yung pagtulog namin ng mga 10 dati ay pagpupuyat na. Yun pala, maaga pang tulog yun para sa mga tulad naming 2nd year!

Kasi naman, pano ka naman makakatulog ng mahimbing kung alam mong may short-quiz-turned-long-exam bukas! Yung tipong short quiz pero magugulat na lang kayo 30+ items na pala! Pano pa kaya yung Long Exam?! Hahaha! Ok, balik sa usapan. Yun nga, yung tulog na alas-diyes ay maaga na kasi kadalasan alas-dose o wala na talagang tulog. Hahaha! Lalo na kapag may RetDem.

Tulad ngayon, habang nagba-blog ako marami nang naka-pila sa aking mga dapat tapusin. Mabuti na lang at wala akong pasok bukas, na-delay kasi yung start ng RLE namin. Ayun pa pala! Yung RLE! Naku, pag nagsimula na yun. Wala na talagang tulugan! Hahaha! Panigurado magiging mabenta ang mga concealer niyan!

-Brent

Studyante.

Hay studyante. Ang hirap nga naman ispellengin ng mood ng isang studyante.

Kapag patapos na ang school year, ang mga studyante ay parang may mystical power at abot-tenga ang tuwa.

Sa simula ng summer vacation, ang mga studyante ay atat na atat na magpupunta sa mga beach o swimming pool. Masayang-masaya rin sila dahil wala ng pasok at libre na silang magpuyat o magpa-umaga.

Sa gitna ng summer vacation, masaya pa rin ng konti dahil libre pang gumala. Libre pa ring magpuyat o magpa-umaga. Ngunit, nababato na ng kaunti dahil paulit-ulit na lang ang kanyang ginagawa.

Kapag patapos na ang summer vacation, masaya pa rin dahil pwedeng magpuyat o magpa-umaga. Ngunit, mas masaya dahil malapit na ang pasukan! Na ang ibig sabihin ay:

  1. May baon.
  2. Makikita ulit ang mga kaibigan.
  3. Makakagawa nanaman ng mga bagong kaibigan.
  4. Makakapag-lakwatsa kasama ang mga kaklase!

Ang saya diba! Hahaha! Ang gulo talaga ng isip nating mga studyante. Kapag naman nagsimula na ang pasukan, ang idadaing naman natin ay “sana magbakasyon na” o “sana walang pasok bukas” at ang pinakagasgas sa lahat “sana bumagyo bukas.” [KAHIT ALAM AT NAKIKITANG HINDI NAGUUULAN. Hahahahaha!]

Yung mura lang!

“YUNG MURA LANG!”

“Kuya, wala na bang tawad?! Tatlo naman kaming bibili eh!”

Yan ang maririnig mo samin kanina kung kasama ka naming bumibili. Nung nasa National Bookstore Recto Branch kami, ang lagi naming hanap ay yung mura pero may kalidad. Tulad nung notebook na nakuha ko P23 lang siya, ang ganda ng cover si Jughead! Maganda rin naman yung papel niya, manipis nga lamang ng konti kumpara sa Cattleya o Corona. Pwede na rin yun! Kahit naman maganda ang notebook pero kung hindi naman susulatan, wala ring kwenta. Isa pa, ang mahal na kaya ng bilihin ngayon! Dapat maging praktikal.

Eto pa isang scenario, habang nagwi-withdraw yung classmate ko, nakita namin yung isang libro na pinapahanap sa amin yung “Fundamentals of Political Science.” S’yempre kami itong si matipid, tinanong namin dun sa mga Second-Hand Books kung magkano. At sa aming swerte, P150 lang siya! Ang totoo palang presyo niya ay P250. Akalain mo yun! Ang laki ng natipid namin!

Hays, o sige-sige dito na lang muna. Kapag may mga Recto-Morayta Escapades pa kami ay ik-kwento ko na lang muli.

-Brent.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.