Kawawang artista, yan na lamang ang nasasabi ko sa tuwing pikit-mata akong bumibili ng mga piniratang CD. Siguro naman kasi kung babawasan ng mga taong ito ang presyo ng kanilang produkto, malamang ay ma-enganyo akong bumili. Isipin mo na lang, bibili ka ng isang CD na naghahalaga ng 250 pag local 450 pag international. Aba! Ilang kilo ng bigas na rin ‘yan ha! Sa mahal ng bilihin ngayon, dapat maging praktikal tayo.
Sa mga malls tulad ng 168, Tutuban, atbp. na nagtitinda ng mga piniratang CD, ay kumpol-kumpol ang mga tao. Bakit? Simple lang, gusto rin nilang marinig/mapanood ang kanilang mga iniidolo. Alam nilang mali ang bumili nito, pero sadyang hindi mapigilan. Ikaw nga, bibili ka pa ba ng mamahalin kung meron namang katulad na mura?
Kung iisipin mo, ngayon ay iba na ulit ang nauuso. Kung dati pirated CD, ngayon ay Limewire na. Kung dati binibili mo pa sa mga pirata, mga tindero/tindera ng pirated CDs, ngayon ay pipindutin mo na lang sa internet! Aba! ‘Eto ba ang halimbawa ng paggamit ng teknolohiya?! Haha! Gusto ko ‘to!
Isa pa siguro sa mga nakakaapekto sa mga artistang ito ay ang pagtaas ng bilang ng mga taong may MP3/MP4 Player. Tulad ng iPod, Zune, atbp. Sa totoo lamang kapag nabili mo na ang mga gadgets na ito, ay hinding-hindi mo mapipigilan ang iyong sarili na mag-rip o kumuha ng kanta sa net. Muli, dahil mahal ang bawat kanta!
Sa tingin ko lamang, may pag-asa pa namang mabuhay muli ang pagbili sa mga ORIGINAL CDs. Eto ay kung isasantabi nila ang malaking kita, at makukunteto sa kakaunti. Isipin na lang nila, kung maliit ang kita, mura ang produkto, marami ang bibili, maraming kita!
Haha! O s’ya s’ya.
“Ate, meron ka na ba nung concert ni…….”
-Brent.
Filed under: Mga Karanasan. | Tagged: kawawang artista | 6 Comments »






Fish balls, Shrimp balls, Chicken balls, Kikiam, at kung anu-ano pang balls yan! Hahaha!
Kung dati mga negosyante lang ang may dala nito, ngayon ay isa na rin itong dalahin ng kabataan. Dahil ito ang kanilang ticket para makausap ang kanilang mga kaibigan.


