• Ang Masasabi Ko…

  • Kumento at Suhestiyon.

    eloiski's avatareloiski sa Sembreak!
    kengkay's avatarkengkay sa Sembreak!
    Brent's avatarBrent sa Sembreak!
    Migo Aguado's avataraLps sa Sembreak!
    Brent's avatarBrent sa Sembreak!
  • Subukan ng Malaman.

  • Ang Nakaraan.

  • Pahina.

  • Ilan na ang naki-Tingin?

    • 9,997 na ang naki-Tingin.

Studyante.

Hay studyante. Ang hirap nga naman ispellengin ng mood ng isang studyante.

Kapag patapos na ang school year, ang mga studyante ay parang may mystical power at abot-tenga ang tuwa.

Sa simula ng summer vacation, ang mga studyante ay atat na atat na magpupunta sa mga beach o swimming pool. Masayang-masaya rin sila dahil wala ng pasok at libre na silang magpuyat o magpa-umaga.

Sa gitna ng summer vacation, masaya pa rin ng konti dahil libre pang gumala. Libre pa ring magpuyat o magpa-umaga. Ngunit, nababato na ng kaunti dahil paulit-ulit na lang ang kanyang ginagawa.

Kapag patapos na ang summer vacation, masaya pa rin dahil pwedeng magpuyat o magpa-umaga. Ngunit, mas masaya dahil malapit na ang pasukan! Na ang ibig sabihin ay:

  1. May baon.
  2. Makikita ulit ang mga kaibigan.
  3. Makakagawa nanaman ng mga bagong kaibigan.
  4. Makakapag-lakwatsa kasama ang mga kaklase!

Ang saya diba! Hahaha! Ang gulo talaga ng isip nating mga studyante. Kapag naman nagsimula na ang pasukan, ang idadaing naman natin ay “sana magbakasyon na” o “sana walang pasok bukas” at ang pinakagasgas sa lahat “sana bumagyo bukas.” [KAHIT ALAM AT NAKIKITANG HINDI NAGUUULAN. Hahahahaha!]

Yung mura lang!

“YUNG MURA LANG!”

“Kuya, wala na bang tawad?! Tatlo naman kaming bibili eh!”

Yan ang maririnig mo samin kanina kung kasama ka naming bumibili. Nung nasa National Bookstore Recto Branch kami, ang lagi naming hanap ay yung mura pero may kalidad. Tulad nung notebook na nakuha ko P23 lang siya, ang ganda ng cover si Jughead! Maganda rin naman yung papel niya, manipis nga lamang ng konti kumpara sa Cattleya o Corona. Pwede na rin yun! Kahit naman maganda ang notebook pero kung hindi naman susulatan, wala ring kwenta. Isa pa, ang mahal na kaya ng bilihin ngayon! Dapat maging praktikal.

Eto pa isang scenario, habang nagwi-withdraw yung classmate ko, nakita namin yung isang libro na pinapahanap sa amin yung “Fundamentals of Political Science.” S’yempre kami itong si matipid, tinanong namin dun sa mga Second-Hand Books kung magkano. At sa aming swerte, P150 lang siya! Ang totoo palang presyo niya ay P250. Akalain mo yun! Ang laki ng natipid namin!

Hays, o sige-sige dito na lang muna. Kapag may mga Recto-Morayta Escapades pa kami ay ik-kwento ko na lang muli.

-Brent.

Pasukan!

Grabe! Na-miss ko mag-blog! Ilang araw na rin akong walang entry! Kasi naman, nagbukas na ang klase. Tapos ayon sa kaswerti-swertihan ako pa ang naging class president.

Hindi ko inaasahan na magiging ganto ako ka-busy, lalo na’t 2nd year Nursing Student pa lamang ako. Haha! Pano pa kaya kapag tumaas na ang aming year? Hay!

Sige sige, dito lang muna. Kamusta ka?

Bigas

Kung dati ang bigas ay napaka-mura, at kayang bilin ng tao. Ngayon ay para na rin itong ginto sa taas ng presyo. Dahil sa pinapalabas na rice shortage umano ng gobyerno. Rice Shortage ba talaga o panakip-butas lamang sa ZTE Deal?

Hay nako! Kahit naman anong gawin nating pag-iisip, kapag hindi gusto ng nakataas tatakpan kapag gusto mas lalong ipagmamalaki.

“Kawawang Pilipino,” yan ang laging nasasabi ng aking mga magulang sa tuwing nakikita nila ang mga taong nakapila sa NFA Rice. Dito kasi sa lugar namin isang beses sa isang linggo ang punta ng trak ng NFA. Sa trak na yon ay may mga NFA Rice na binebenta ng P18.50 o paminsan P2x.xx.

Sa tuwing dadating yung trak ng NFA, ay parang may dumadating na artista sa aming lugar. Papapilahin ang mga tao sa amin at sasabihan na hanggang limang kilo lamang ang kanilang mabibili. Naku po! ‘Eh pano yung kung sa NFA Rice lang sila umaasa? Balik sa kwento ko, kapag nandiyan na ang trak ay parang pila na sa WOWOWEE ang pila sa likod ng trak. Kapag minalas-malas ka pa ay mauubusan ka pa ng bigas.

KAWAWANG PILIPINO!

-Brent.

Tsinelas

RAMMBO, BANTEX, SPARTAN, ISLANDER.

‘Yan ang pumapasok dati sa isipan ng Pilipino kapag sinasabi ang salitang tsinelas. Natatandaan ko pa nung bata ako, ang tsinelas ko dati yung may mga cartoon character. Yung pinaka-minahal kong tsinelas nung yung garfield. Haha, ang kyut kasi! 🙂

Dati patay na patay ako sa Islander na puti. Yung may lining na brown tapos may print ng maliit na yate! Hay, hanggang ngayon, 16 y/o, hindi pa rin ako nakakabili ng isang pares ng Islander.

Eh kasi naman yung nanay ko. Kapag sinasabi kong ibili niya ko ng Islander, ang sasabihin ba naman.

“Huwag na Islander, mag-ipon ka na lang ng konti. Bibili kita ng HAVAIANAS.”

Ayan na! Ayan na si HAVAIANAS ang goma na may ginto. Kung dati RAMMBO, BANTEX, SPARTAN, O ISLANDER ang uso. Ngayon hindi na! Hindi mo na nga ata makikita na suot ng tao yang mga yan eh. Ang uso na kasi ngayon ay HAVAIANAS, CHARCOAL, IPANEMA, CROCS, at iba pa.

Tulad ng Kape, ngayon ang tsinelas ay simbolo na rin ng kinatatayuan mo sa hagdanan ng lipunan. Sa mall, hindi na uso ang mga taong naka-sapatos. Ang uso na ay yung pagandahan at pamahalan ng tsinelas. Andiyang naka-suot ng Havaianas High ang kababaihan, nakasuot ng Crocs ang kalalakihan, at ang mga bata ay nakasuot din ng Crocs!

Aba sosyal! Hindi ko inaakalang magiging pang-lakwatsa ang tsinelas. Akala ko ay para lamang sila sa ating mga bahay.

Gusto ko lang bitiwan ang mga katagang ito para sa mga taong mahilig kumolekta ng tsinelas.

“Kapag Havaianas ba ang ginamit mo sa tumbang preso, ay mas malayo ba ang tilampon ng lata?”

Kumbaga, wala naman yan sa tatak ng tsinelas na suot mo. Nasa pagdadala yan kababayan!:)

Ikaw, ano ba ang tsinelas mo?

-Brent.

Design a site like this with WordPress.com
Magsimula