Ako si BRENT kilala ‘rin sa mga pangalang brenty, vicoy, fort, xoxo B, atbp..
Kasalukuyan naka-enroll sa FEU, sa ilalim ng Institute of Nursing. Kinukuha ang kursong AHSE (Associate in Health Science Education) at ninanais na maituloy ito sa BS Nursing.
Ako ay isang PEx forumer. Masarap magbabad dun dahil iba’t-ibang klase ng tao ang makakasugapa mo dun. Andiyang asal-kalye, conyo, jologs, bakla, tomboy, at marami pang iba. Kaya matututo kang rumespeto sa opinyon ng iba. Sabi nga nila “Ang respeto hindi hinihingi, ito’y ibinibigay.”
Asar na asar ako sa mga taong paulit-ulit magtanong. Yung tipong kakasabi lang, itatanong pa ulit kung ano yun. Diyos ‘ko! Maglinis naman kasi ng tenga! Haha!
Mahilig nga rin pala ako sa libro. Ilan sa mga nabasa ko nang libro ay ang The Alchemist, The Zahir, Like A Flowing River, atbp. Kasalukuyan, aking binabasa ang Fundamentals of Nursing! Haha! *NERD!*
‘Oh siya, hanggang dito na lang muna kaibigan. Marami-rami pang nakatala sa aking “To-Do” list.
Brent.
P.S.
Kung ililink niyo ako, paki-sabi sa akin upang mai-link ko rin kayo. Salamat!






Nawa’y makakita kami ng larawan ni brent. Mabuhay ka! =)
Kung gusto niyong makita ang aking larawan. Pumunta lamang dito.
http://brent256.multiply.com
nice name!
Nosebleed!!!