Ayan nanaman! Naamoy ko na ang simula ng ika-lawang semestre! Ilang araw na lang ang nalalabi sa aming maikling bakasyon bago mag-simula ang bakbakan sa mga classrooms -Quizzes, Reports, Revalidas, Exams, HCPs etc. Nakaka-stress mang-isipin pero ganun talaga! Hahahaha! Sa totoo lang, may mas malaking nag-iintay samin, may Nursing Aptitude Test pa kami o mas kilala bilang Battery Exam!
Pero bago ko kayo piliting isara ang window na ito, ibabahagi ko ng bahagya ang mga pinagkakaabalahan ko sa huling mga araw ng bakasyon.
1. Nagrereserba na ng energy. Panigurado sa pasukan, puyatan nanaman ‘to!
2. Nanonood ng mga Foreign TV Series na kina-aadikan. Gossip Girl anyone?
3. Nakikipagkita sa mga HS friends!
4. Kinukundisyon ang katawan dahil may Swimming Class kami sa ikalawang semestre.
5. Nagbabasa ng mga Libro! Hindi yung libro na pang-akademya ha! Yung mga libro na gawa nila Dan Brown at Bob Ong!
Random:
Kakatapos ko lang basahin ang Deception Point ni Dan Brown at Macarthur ni Bob Ong. Ang ganda nung Deception Point! Ang sarap basahin, ang galing nung pagkaka-chapter nung libro, tamang-tama yung mga cuts kaya paminsan ang hirap tigilan nung Libro. Maganda din yung Macarthur kaso masyadong nakakalungkot yung mga nangyari.
Ngayon, pinagkakaabalahan ko yung Angels and Demons. Tulad ng mga dating libro ni Dan Brown, ang hirap pa rin tigilan! Hahahaha! O’ siya siya, tatapusin ko na ‘to! Baka abutan pa ako ng pasukan! ‘Nga pala, sino may Twilight na book? Pahiram naman ‘oh! Thanks!
Inihanay sa: Mga Karanasan. | Minarkahan: sembreak






Hay sembreak! tapos na!
bukas na ang pasukan namin!
amp!
masaya talaga magbasa ng books lalo kung libro ni bob oong at dan brown!
tapos na ako dun sa angels and demons eh!
tapos ko na rin lahat ng kay bob ong!
ang hindi ko pa nababasa eh yang twilight!
ano ba kwento nun???
Dapat bukas na ‘rin kami eh! Since wala pa kong class sa sched ko bukas, may isang araw pa ‘ko! Yey!
Yung Twilight? Vampire-Human Love affair.
Ako naman marathong-watching ng Grey’s Anatomy. Hehe. Although lilimang episodes na lang ung d ko napapanood sa nakaraang season. Hehe. Grabe, ang daming GG-mode sa mga kaklase ko (at pati kapatid ko) this sem!
aLps, ang saya kaya ng GG! Try mong panuorin. =D
naku, ang tagal na pala nung huling post mo.
pero kahit na, wishing you meri krismas pa rin
ay wala man lang bagong post
hekhek
btw
belated merry christmas and a happy new year!
cheers!