Typewriter

Tak-tak-tak-tak, TING!

Nakakatuwang isipin na ng dahil sa teknolohiya natin ngayon, ay lalo at lalong napapadali ang ating buhay. Natatandaan ko nuong bata pa ako, kakaunti lang ang gumagamit ng PC. Kadalasan kasi ay typewriter ang ginagamit para sa mga mahahalagang papeles. Natatandaan ko pa nga nung una akong nakapag-type gamit ang typewriter. Naipit yung isang letra at natakot ako dahil akala ko ay nasira ko na ‘to! Hahaha! Kasi naman ang tanga-tanga nung typewriter ‘di man lang ako sinabihan na wag kong diinan. Hahaha!

Kapag may mali kang nai-type ay kailangan mo pang gumamit ng liquid eraser o snowpeyk. Maririnig mo rin ang paulit-ulit na *ting!* na ang ibig sabihin ay ibalik mo na ko sa unang line. Maririnig mo rin ang nakakairitang tunog na *tak-tak-tak* sa bawat pindot ng letra.

Pero ngayon iba na, maraming salamat sa nakaimbento ng MS Word! Dahil ‘eto na ang pumalit sa nakasanayan nating typewriter. Kapag may mali kang nai-type, hindi mo na kailangan pang maghagilap ng snowpeyk. Dahil sa pindot lamang ng backspace ay ok na! Sige nga, gamitan mo nga ng snowpeyk yang monitor mo! Hahahaha! Hindi mo na rin ang maririnig ang mahiwagang *ting!* sa tuwing ililipat mo sa kasunod na linya ang iyong tinatype. Kasi ngayon, kapag narinig mo na ang *ting!* na ‘yan, aba-aba kabahan ka na. Isa lang ang ibig sabihin niyan, nag-hang na ang PC mo! Hahaha! At ang ibig sabihin nun ay, sige na simulan mo na yan ulit mahaba pa ang gabi

Nakakatuwa talagang isipin, ng dahil sa katalinuhan ng tao. Napapadali ang ating buhay, mas nagiging maayos ito at maginhawa. Hay, sana makaimbento rin sila ng bagay na tinatype na lahat ng iniisip ng isang tao! :D

Oh siya, magta-type muna ako ulit ha!

*tak-tak-tak* 

2 Tugon

  1. aztig ka ha, nagttype na lang sa isip.. you should know i thought of that too.. ambilis kasing magisip ng utak, yung tipong yung mga ideas ang bilis di makahabol ang daliri sa pagttype..

    and sa totoo lang kumpara sa mga students noon… ANG SWERTE NG MGA STUDYANTE NGAYON NOH! di tulad noon na nagkakadahirap silang nagttype sa typewriter na yan na pag nagkamali ka eh ubos ang papel at ink mo.
    nice blog, nag enjoy ako sa site mo..

    I’m a Nurse pala.. Call me Lei, 26..
    check my site too @
    http://kenshin007.wordpress.com

    cheers!

Mag-iwan ng Tugon