“Oh, oh, oh paki-ayos na lang yung upo oh! Dalawa pa yan!”
Yan yung sinisigaw nung mama kanina habang papasakay kami ng kuya ko sa Jeep na may biyaheng Sangandaan – Pajo – Divisoria.
Hay, o sige simulan ko na ‘tong nakakabaliw kong kwento. Galing kasi kami sa Kapilya, INC po ako, o Simbahan. Tapos nung natapos na yung pagsamba edi siyempre nagmamadali na kaming umuwi kasi alas-sais na. Paglabas namin, aba ang husay! Trapik! Eh kahit ano namang gawin namin dun lang talaga ang daan pauwi, no choice sumakay na rin kami.
Etong nasakyan naming jeep mautak ang driver! Naisipan ba namang mag-counterflow. Eh ‘di sige, counterflow siya. Tapos nung pag-counterflow niya trapik din! Hahahaha! Eh ‘di no choice nanaman siya, pumasok na siya dun sa mga kalye-kalye. Dito ko nakita ang ilan sa mga bagay na sa Pinas mo lang makikita. Tulad na lang ng mga sumusunod
- Nagba-basketball sa mga kalye.
- Mga humps na gawa sa gulong na pinutol at inilatag sa kalyhe.
- Kabi-kabilang parlor at barberya. Nagtataka tuloy ako kung lahat ba sila ay nakakuha pa ng customer dahil sa sobrang dami nila. Hahaha!
- Mga kainan sa tabi ng kalsada. Siyempre bilang nursing student, kung anu-ano nanaman ang pumapasok sa utak ko. Tulad na lang ng “Microorganisms will contaminate the food” etc.
- Ginagawang parking lot ang kalsada. Tulad na lang dun sa isang kalyeng dinaanan nung driver, kabi-kabila ang mga sasakyang nakaparada.
- At siyempre, para matustusan ang mga pangangailangan ng may ari ng sasakyan sa kalsada, kabi-kabila rin ang mga Carwash! Haha!
- Mga tambay na parang walang problema. ‘Buti pa sila, hindi mukhang haggard! Haha!
- At ‘eto ang pinaka-kakaiba sa lahat! Alam niyo yung office chair diba? Imbes na upuan ginawa nung isang batang babae humiga dun. Yung lalake naman pinaikut-ikot yung upuan na parang kang nanonood sa perya! Hahaha! Pilipino nga naman!
Inihanay sa: Mga Karanasan. | Minarkahan: jeep






At pinoy rin ang may pinakamaraming HUNKS sa kalsada.
hahaha. may mga nakikipagkarerahan pa.
ito ay sariling atin!
teka balit wala pa ako sa blogroll mo?
asust
napadaan lan!
aray ko, na miss ko tuloy ang pinas!