

Kung dati ang bigas ay napaka-mura, at kayang bilin ng tao. Ngayon ay para na rin itong ginto sa taas ng presyo. Dahil sa pinapalabas na rice shortage umano ng gobyerno. Rice Shortage ba talaga o panakip-butas lamang sa ZTE Deal?
Hay nako! Kahit naman anong gawin nating pag-iisip, kapag hindi gusto ng nakataas tatakpan kapag gusto mas lalong ipagmamalaki.
“Kawawang Pilipino,” yan ang laging nasasabi ng aking mga magulang sa tuwing nakikita nila ang mga taong nakapila sa NFA Rice. Dito kasi sa lugar namin isang beses sa isang linggo ang punta ng trak ng NFA. Sa trak na yon ay may mga NFA Rice na binebenta ng P18.50 o paminsan P2x.xx.
Sa tuwing dadating yung trak ng NFA, ay parang may dumadating na artista sa aming lugar. Papapilahin ang mga tao sa amin at sasabihan na hanggang limang kilo lamang ang kanilang mabibili. Naku po! ‘Eh pano yung kung sa NFA Rice lang sila umaasa? Balik sa kwento ko, kapag nandiyan na ang trak ay parang pila na sa WOWOWEE ang pila sa likod ng trak. Kapag minalas-malas ka pa ay mauubusan ka pa ng bigas.
KAWAWANG PILIPINO!
-Brent.
Inihanay sa: Asar!, Mga Karanasan. | Minarkahan: bigas






My family business before was rice retailing. I remember nung bata ako ang isang kilong bigas is worth 7 pesos lang. Pramis!!! Now, wala na kme sa rice business dahil ginto na ang bigas ngayon.
Kayo siguro ang nagtatago ng mga mahihiwagang bigas ‘no! Isusumbong ko kayo sa XXX. Hahaha!
pamisan, feeling ko, fake tong rice shortage. pero, global daw ang rice shortage.
haay, kanin krisis. meron nyan dito sa Dubai kaya diyeta na muna kami. okay na rin para pumayat-payat naman.
sabi nga daw, tinatago lang daw ang bigas tapos sinasabi nilang may rice shortage, something like that pero kung anumang hokus-pokus ang nangyayari…maraming krimen ang pwedeng mangyari dahil sa gutom diba? wala lang hehe..
Feeling ko wala naman nagho-hoard. Global crisis tlga sha. Even Japan and other rice-eating countries mukhang diyeta na din.
Uy brent … ok lang ma-report sa XXX. wag lang sa bitag ni tulfo. wahaha
sa tingin ko hindi totoo yang kulang sa bigas, parang wrong planning or baka naman chika lang yan ng gobyerno para maka hirit ulit ng extra money, alam mo na, kainis ano? hmp
Tingin ko nga pinapataas lang nila ang price ng bigas eh.
hay. bigas na naman.
ang haba nga ng pila din dito eh.
sobrang haba.
kawawang pilipino.
kaya cheese burger na lang.
magtipid at masanay kumain ng alternatibong pagkain maliban sa bigas. malay nyo, 10 years from now, wala nang bigas sa mundo, hehe.