RAMMBO, BANTEX, SPARTAN, ISLANDER.
‘Yan ang pumapasok dati sa isipan ng Pilipino kapag sinasabi ang salitang tsinelas. Natatandaan ko pa nung bata ako, ang tsinelas ko dati yung may mga cartoon character. Yung pinaka-minahal kong tsinelas nung yung garfield. Haha, ang kyut kasi!
Dati patay na patay ako sa Islander na puti. Yung may lining na brown tapos may print ng maliit na yate! Hay, hanggang ngayon, 16 y/o, hindi pa rin ako nakakabili ng isang pares ng Islander.
Eh kasi naman yung nanay ko. Kapag sinasabi kong ibili niya ko ng Islander, ang sasabihin ba naman.
“Huwag na Islander, mag-ipon ka na lang ng konti. Bibili kita ng HAVAIANAS.”
Ayan na! Ayan na si HAVAIANAS ang goma na may ginto. Kung dati RAMMBO, BANTEX, SPARTAN, O ISLANDER ang uso. Ngayon hindi na! Hindi mo na nga ata makikita na suot ng tao yang mga yan eh. Ang uso na kasi ngayon ay HAVAIANAS, CHARCOAL, IPANEMA, CROCS, at iba pa.
Tulad ng Kape, ngayon ang tsinelas ay simbolo na rin ng kinatatayuan mo sa hagdanan ng lipunan. Sa mall, hindi na uso ang mga taong naka-sapatos. Ang uso na ay yung pagandahan at pamahalan ng tsinelas. Andiyang naka-suot ng Havaianas High ang kababaihan, nakasuot ng Crocs ang kalalakihan, at ang mga bata ay nakasuot din ng Crocs!
Aba sosyal! Hindi ko inaakalang magiging pang-lakwatsa ang tsinelas. Akala ko ay para lamang sila sa ating mga bahay.
Gusto ko lang bitiwan ang mga katagang ito para sa mga taong mahilig kumolekta ng tsinelas.
“Kapag Havaianas ba ang ginamit mo sa tumbang preso, ay mas malayo ba ang tilampon ng lata?”
Kumbaga, wala naman yan sa tatak ng tsinelas na suot mo. Nasa pagdadala yan kababayan!:)
Ikaw, ano ba ang tsinelas mo?
-Brent.
Inihanay sa: Mga Karanasan., Sari-sari | Minarkahan: tsinelas






Dati hindi ko magets what’s so fashionable about tsinelas na panggala or panggimik. I always see tsinelas as pambahay or pambeach lang tlga. But wen i tried a paired of crocs… nagets ko na kc comfortable tlga sha.
Dati hindi ko magets what’s so fashionable about tsinelas na panggala or panggimik. I always see tsinelas as pambahay or pambeach lang tlga. But wen i tried a pair of crocs… nagets ko na kc comfortable tlga sha
Wow ate dusk ha! Sosyal! Balita ko lagpas dalawang libo ang isang pares ng Crocs.
wahahaha. ang tsinelas ko mumurahin lang. pinakamahal na siguro yung 150.00. wala ako pambili ng havaianas eh. mahal kasi.
hindi naman porke’t hindi mas malayo ang tilampon ng lata ay mas matibay na ah. and besides, looking good is psychologically enriching. at a point in our lives, we all have to not only look good, but also feel good.
I have invested on some pairs of Havaianas.. OK lang naman.. Pero I decided to invest on sneakers instead.. Nadudumihan kasi paa ko pag napasok ako sa school eh..
im guilty of having alot of pair of footwear (in general)… havs and ipanema are great pero mas gusto ko pa rin ang crocs.. comfy kahit it looks dorky. pero ito ang twist, i purchased three pairs of local slip ons when i passed by liliw laguna. cool. three nice pairs for only less that 700 bucks.. great deal di ba?i enjoyed it.
)
rock and roll
http://geraldsarmiento.blogspot.com
favor po… padelete nung una kong post (may typo kasi whehe) and also this post… salamat
Oo ang mahal ng crocs anu! Imagine 2k for a pair of gomang sapin sa paa. Gift lang saken un. Bwahahaha!
Ok lang yan dusk ‘no! Wala namang perpekto sa mundo.
ordinaryong tsinelas lang ang gamit ko. wala pang 50 pesos. comfortable pa rin sa paa kahit ganun lang ang presyo. isang ugali ng Pinoy kasi ang magkaroon ng Status symbol kesehodang wala ka pambili mag karoon ka lang ng mamahaling gamit kahit na ipapangutang mo pa . ako ke anu pa ang mag labasan dyan at di ko man sila maisuot okey lang.
hehe… wala pa havaianas, naka rusty nako.. mas trip ko gumamit ng tsinelas pang alis kesa shoes
i don’t have crocs or havaianas, ok na sakin ang step-in at sandals… ahahaha… anyway, di naman din kasi ako brand conscious, nasa pagdadala lang yan
wala ako mashado hilig sa slippers, mas ok sakin yung mga doll shoes kasi naman dito sa Dubai, mahirap ang transpo, ang layo ng lalakarin mo parati tapos mabuhangin kala mo lagi kang nasa beach kaya hindi advisable dito ang slippers.
*thanks nga pala sa pag-add.
Tulad nga ng sabi nila. “Wala sa tatak yan, nasa pagdadala yan.”
wahahaha, am sure hindi nila gagamitin yung hundred pesoses na hava na yon para sa tumbang presyo, mang hihiram yon ng isang pares nung spartan mo, hahaha
Hahahahaha! Ate Kengks, hindi nga ako nagkaron ng spartan eh! Adik kasi yung nanay ko, havaianas lagi pinapabili sa akin. Hahahahaha!
Winner yang rammbo, lagi akong ipinapanalo sa tumbang preso hehehe tibay pa. =) hay sarap ng mga panahon na yun…simple lahat…yung rammbo parang luho na ehehehe…=)
ngayon islander naman at havaianas naman ang meron ako…masarap ilakad… ako pa, lalo na sa footwear, il go for comfort more than syle. =)
ang cute ng kwento bout tsinelas… true to life tlga…